Add parallel Print Page Options

21 Sa (A) Kautusan ay nasusulat,

“Sa pamamagitan ng mga taong may kakaibang wika,
    at sa pamamagitan ng mga labi ng mga banyaga
ay magsasalita ako sa bayang ito,
    subalit hindi nila ako pakikinggan,”

sabi ng Panginoon. 22 Kaya nga, ang pagsasalita sa iba't ibang wika ay tanda hindi para sa mga sumasampalataya kundi sa mga hindi sumasampalataya. Ngunit ang pagpapahayag ng propesiya ay hindi para sa mga hindi sumasampalataya, kundi sa mga sumasampalataya. 23 Kaya't kung nagkakatipon ang buong iglesya at ang lahat ay nagsasalita sa iba't ibang wika, at pumasok ang mga walang kaalaman o mga di-nanampalataya, hindi kaya nila sabihing kayo'y nababaliw?

Read full chapter