Add parallel Print Page Options

Nang magkagayo'y nang araw na yao'y unang iniutos ni David ang (A)magpasalamat sa Panginoon, sa pamamagitan ng kamay ni Asaph at ng kaniyang mga kapatid.

Ang awit ng pagpapasalamat.

(B)Oh kayo'y mangagpasalamat sa Panginoon, magsitawag kayo sa kaniyang pangalan;
(C)Ipakilala ninyo sa mga bayan ang kaniyang mga gawa.
Magsiawit kayo sa kaniya, magsiawit kayo ng mga pagpuri sa kaniya;
Salitain ninyo ang lahat niyang mga kamanghamanghang gawa.

Read full chapter