Font Size
1 Cronica 18:8-10
Ang Salita ng Diyos
1 Cronica 18:8-10
Ang Salita ng Diyos
8 Kinuha rin niya ang maraming tanso sa Teba[a] at Cun, mga bayang sakop ni Hadadezer. Kinalaunan, ang mga tansong ito ang ginamit ni Solomon sa pagpapagawa ng malaking sisidlan ng tubig na parang kawa na tinatawag na Dagat, mga haligi, at ng mga kagamitang tanso para gamitin sa templo.
9 Nang mabalitaan ni Haring Tou,[b] ng Hamat na tinalo ni David ang buong sundalo ni Haring Hadadezer ng Zoba, 10 pinapunta niya ang anak niyang si Hadoram[c] kay Haring David para kamustahin at batiin sa pagkakapanalo niya kay Hadadezer. (Noon pa man ay magkalaban na sina Tou at Hadadezer.) Nagdala si Hadoram ng mga regalong gawa sa ginto, pilak, at tanso.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (ASND)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica