Add parallel Print Page Options

Ang mga Habilin ni David kay Solomon

Nang malapit nang mamatay si David, naghabilin siya kay Solomon na kanyang anak ng ganito: “Malapit na akong mamatay, kaya magpakatatag ka at magpakatapang, at sundin ang mga iniuutos ng Panginoon na iyong Dios. Sumunod ka sa kanyang mga pamamaraan, mga tuntunin at mga utos na nakasulat sa Kautusan ni Moises para magtagumpay ka sa lahat ng gagawin mo, saan ka man magpunta.

Read full chapter