1 Mga Hari 14:21-23
Ang Biblia (1978)
Si Roboam ay naghari sa Juda.
21 At si Roboam na anak ni Salomon ay naghari sa Juda. Si (A)Roboam ay apat na pu't isang taon nang siya'y magpasimulang maghari, at siya'y naghari na labing pitong taon sa Jerusalem, na bayan (B)na pinili ng Panginoon sa lahat ng mga lipi ng Israel, upang ilagay ang kaniyang pangalan doon: (C)at ang pangalan ng kaniyang ina ay Naama na Ammonita.
22 (D)At gumawa ang Juda ng masama sa paningin ng Panginoon, at (E)kanilang minungkahi siya sa paninibugho sa pamamagitan ng kanilang mga kasalanan na kanilang nagawa, na higit kay sa lahat na ginawa ng kanilang mga magulang,
23 Sapagka't sila'y nagsipagtayo naman para sa kanila ng mga (F)mataas na dako, at ng mga haligi, at ng mga Asera, sa bawa't mataas na burol, at sa (G)ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy;
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978