Add parallel Print Page Options

10 At (A)nang sila'y dumating doon sa burol, narito, isang (B)pulutong na mga propeta ay nasasalubong niya; at ang Espiritu ng Dios ay makapangyarihang suma kaniya, at siya'y nanghula sa gitna nila.

11 At nangyari nang makita siya ng lahat na nakakakilala sa kaniya nang una, na, narito siya'y nanghuhulang kasama ng mga propeta, ay nagsalisalitaan ang bayan, Ano itong nangyari sa anak ni Cis? Si (C)Saul ba ay nasa gitna rin ng mga propeta?

12 At isang taga dakong yaon ay sumagot at nagsabi, At (D)sino ang kanilang ama? Kaya't naging kawikaan, Si Saul ba ay nasa gitna rin ng mga propeta?

Read full chapter