Add parallel Print Page Options

11 Kaya't tinanong ni Samuel si Jesse, “Mayroon ka pa bang anak na wala rito?”

“Mayroon pang isa; ang bunso na nagpapastol ng mga tupa,” sagot ni Jesse.

Sinabi ni Samuel, “Ipasundo mo siya. Hindi natin sisimulan ang paghahandog hangga't hindi siya dumarating.”

Pinili si David

12 At sinundo nga ang anak na ito ni Jesse. Siya'y makisig na binatilyo, malusog at maganda ang mga mata.

At sinabi ni Yahweh kay Samuel, “Siya ang pinili ko; buhusan mo siya ng langis.” 13 Kinuha ni Samuel ang sungay na sisidlan ng langis, at binuhusan niya si David ng langis sa harapan ng kanyang mga kapatid. At nilukuban si David ng Espiritu[a] ni Yahweh. Mula noon, sumakanya na ang Espiritu[b] ni Yahweh. Pagkatapos, si Samuel ay bumalik naman sa Rama.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Samuel 16:13 Espiritu: o kaya'y kapangyarihan .
  2. 1 Samuel 16:13 Espiritu: o kaya'y kapangyarihan .