Add parallel Print Page Options

20 Ito ay sapagkat sa pagdating ko, natatakot ako na hindi ko kayo masumpungan tulad ng ibig ko. Natatakot ako na masumpungan ninyo ako tulad ng hindi ninyo ibig sa akin. Baka magkaroon ng paglalaban-laban, inggitan, poot, pakiki­pagtunggalian, paninirang puri, pagsisitsit,[a] pagmama­­­lakihan at kaguluhan. 21 Baka sa pagdating ko, ibaba ako ng Diyos sa harapan ninyo at ako ay manangis dahil sa kanila na nagkasala roon. Hindi sila nagsisi sa karumihan at pakikiapid at kahalayan na kanilang ipinamuhay.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2 Corinto 12:20 Ito ay ang walang pigil na pagdadala ng lahat ng uri ng usapin.