Add parallel Print Page Options

11 At ngayon, tapusin ninyo ang gawain, upang ang inyong matinding pagnanais na gawin iyon ay matumbasan ng pagsasagawa ninyo nito, ayon sa inyong makakaya. 12 Sapagkat kung talagang handang magbigay ang isang tao, tinatanggap ang kanyang kaloob batay sa kung anong mayroon siya, at hindi batay sa wala sa kanya. 13 Hindi sa nais kong guminhawa ang iba at kayo naman ay mabigatan, kundi upang magkaroon ng pagkakapantay-pantay.

Read full chapter