Font Size
2 Cronica 19:5-7
Magandang Balita Biblia
2 Cronica 19:5-7
Magandang Balita Biblia
5 Naglagay siya ng mga hukom sa buong lupain, isa sa bawat may pader na lunsod ng Juda. 6 Sinabi niya sa kanila, “Mag-ingat kayo sa paghatol sapagkat humahatol kayo para kay Yahweh at hindi para sa tao. Kasama ninyo siya sa inyong paghatol. 7 Igalang at sundin ninyo si Yahweh. Mag-ingat kayo sa paghatol sapagkat hindi pinahihintulutan ng Diyos nating si Yahweh ang pandaraya, ang pagkiling sa sinuman at ang pagtanggap ng suhol.”
Read full chapter
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.