Font Size
2 Hari 9:30-32
Ang Salita ng Diyos
2 Hari 9:30-32
Ang Salita ng Diyos
Pinatay si Jezebel
30 Pumunta si Jehu sa Jezreel. Nang nalaman ito ni Jezebel, kinulayan ni Jezebel ng pampaganda ang kanyang mga mata, inayos ang buhok niya at dumungaw sa bintana ng palasyo. 31 Pagpasok ni Jehu sa pintuan ng palasyo sinabi ni Jezebel sa kanya, “Kapayapaan ba ang sadya mo rito, ikaw na mamamatay-tao? Katulad ka ni Zimri na pinatay ang kanyang amo!” 32 Tumingala si Jehu at nakita niya si Jezebel sa bintana at nagtanong, “Sino sa inyo riyan ang kakampi sa akin?” May dalawa o tatlong opisyal na dumungaw sa kanya sa bintana.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (ASND)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica