Add parallel Print Page Options

At kaniyang inilabas ang mga Asera sa bahay ng Panginoon, sa labas ng Jerusalem sa batis ng Cedron, at sinunog sa batis ng Cedron, at dinurog, at inihagis ang nangadurog niyaon (A)sa libingan ng karaniwang mga tao.

At kaniyang ibinagsak ang mga bahay ng mga (B)sodomita, na nangasa bahay ng Panginoon, (C)na pinagtatahian ng mga tabing ng mga babae para sa mga Asera.

At dinala ang lahat na saserdote mula sa mga bayan ng Juda, at nilapastangan ang mga mataas na dako, sa pinagsusunugan ng kamangyan ng mga saserdote, mula sa Geba hanggang sa Beer-seba; at kaniyang ibinagsak ang mga mataas na dako ng mga pintuang-bayan na nangasa pasukan ng pintuang-bayan ni Josue, na tagapamahala ng bayan, na nangasa kaliwa ng pasukan sa pintuan ng bayan.

Read full chapter