Add parallel Print Page Options

49 na siyang naglabas sa akin mula sa aking mga kaaway;
    sa ibabaw ng aking mga kaaway ako'y iyong tinanghal,
    iniligtas mo ako sa mga taong mahilig sa karahasan.

50 “Dahil(A) dito'y pupurihin kita, O Panginoon, sa gitna ng mga bansa,
    at aawitan ko ang iyong pangalan ng mga pagdakila.
51 Dakilang pagtatagumpay ang sa kanyang hari'y ibinibigay,[a]
    at nagpapakita ng tapat na pag-ibig sa kanyang hinirang,[b]
    kay David at sa kanyang binhi magpakailanman.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 2 Samuel 22:51 Sa ibang kasulatan ay Siya ay isang tore ng kaligtasan .
  2. 2 Samuel 22:51 o binuhusan ng langis .