Add parallel Print Page Options

12 Tumatakbo ba sa batuhan ang mga kabayo?
    Naipang-aararo ba sa dagat ang mga baka?
Hindi nga, ngunit ginawa ninyong lason ang katarungan
    at pinalitaw na mali ang tama.
13 Tuwang-tuwa kayo nang masakop ninyo ang bayan ng Lo-debar.[a]
    Sabi ninyo, “Tayo'y malakas at nakaya nating sakupin ang Karnaim.”[b]
14 Ngunit ito ang sagot ni Yahweh, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat:
    “Susuguin ko ang isang bansa laban sa inyo, mga taga-Israel.
Kayo'y pahihirapan buhat sa Pasong Hamat sa hilaga
    hanggang sa Batis ng Araba sa timog.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Amos 6:13 LO-DEBAR: Sa wikang Hebreo, ang pangalang ito ay kasintunog ng salitang “wala”.
  2. Amos 6:13 KARNAIM: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang ito'y “mga sungay”.