Daniel 2:44-46
Ang Biblia (1978)
44 At sa mga kaarawan ng mga haring yaon ay maglalagay ang Dios sa langit ng (A)isang kaharian, na hindi magigiba kailan man, o ang kapangyarihan man niyao'y iiwan sa ibang bayan; kundi pagpuputolputulin at lilipulin niya ang lahat na kahariang ito, at yao'y lalagi magpakailan man.
45 Yamang (B)iyong nakita na ang isang bato ay natibag sa bundok, hindi ng mga kamay, at pumutol ng mga bakal, ng tanso, ng putik, ng pilak, at ng ginto; ipinaalam ng dakilang Dios sa hari kung ano ang mangyayari sa haharapin: at ang panaginip ay tunay at ang pagkapaaninaw niyao'y tapat.
Si Daniel ay itinaas ng hari.
46 Nang magkagayo'y ang haring Nabucodonosor ay (C)nagpatirapa, at sumamba kay Daniel, (D)at nagutos na sila'y maghandog ng alay at ng may masarap na amoy sa kaniya.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978