Font Size
Deuteronomio 20:6-8
Magandang Balita Biblia
Deuteronomio 20:6-8
Magandang Balita Biblia
6 Sinuman ang may bagong ubasan subalit hindi pa nakakatikim ng bunga niyon ay maaari nang umuwi; baka siya'y mamatay sa labanan at iba pa ang makinabang sa kanyang ubasan. 7 Sinuman sa inyo ang nakatakdang ikasal subalit hindi pa nagsasama ay maaari nang umuwi; baka siya'y mamatay sa labanan at iba pa ang magpakasal sa kanyang minamahal. 8 Sinuman sa inyo ang natatakot o naduduwag ay maaari nang umuwi; baka maduwag ding kagaya niya ang iba.’
Read full chapter
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
By Philippine Bible Society