Font Size
Deuteronomio 33:6-8
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Deuteronomio 33:6-8
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
6 Sinabi ni Moises tungkol sa lahi ni Reuben,
“Sanaʼy hindi mawala ang mga lahi ni Reuben kahit kakaunti lang sila.”
7 Sinabi ni Moises tungkol sa lahi ni Juda
“O Panginoon, pakinggan po ninyo ang paghingi ng tulong ng lahi ni Juda.
Muli po ninyo silang isama sa ibang mga lahi ng Israel.
Protektahan at tulungan ninyo sila laban sa kanilang mga kaaway.”
8 Sinabi ni Moises tungkol sa lahi ni Levi,
“O Panginoon, ibinigay po ninyo ang ‘Urim’ at ‘Thummim’[a] sa tapat ninyong mga lingkod na lahi ni Levi.
Sinubukan ninyo sila sa Masa at sinaway sa tabi ng tubig ng Meriba.
Footnotes
- 33:8 ‘Urim’ at ‘Thummim’: Dalawang bagay na ginagamit sa pag-alam ng kalooban ng Dios.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®