Add parallel Print Page Options

13 Ang lahat ng nalalantad sa liwanag ay nakikilala kung ano talaga ang mga iyon, 14 at nalalantad ang lahat dahil sa liwanag.[a] Kaya't sinasabi,

“Gumising ka, ikaw na natutulog,
    bumangon ka mula sa libingan,
at liliwanagan ka ni Cristo.”

15 Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang.

Read full chapter

Footnotes

  1. Efeso 5:14 at nalalantad ang lahat dahil sa liwanag: o kaya'y ang nalalantad ay nagiging liwanag .