Add parallel Print Page Options

22 Dumating ang araw na si Zipora'y nanganak ng isang lalaki. Sabi ni Moises, “Ako'y dayuhan sa lupang ito, kaya tatawagin kong Gersom[a] ang batang ito.”

23 Pagkalipas ng mahabang panahon, namatay ang Faraon ngunit dumaraing pa rin ang mga Israelita sa patuloy na pang-aalipin sa kanila ng mga Egipcio. 24 Narinig(A) ng Diyos ang kanilang daing at naalala niya ang ginawa niyang kasunduan kina Abraham, Isaac at Jacob.

Read full chapter

Footnotes

  1. Exodo 2:22 GERSOM: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “Gersom” at “dayuhan” ay magkasintunog.