Add parallel Print Page Options

31 (A)At aking itatatag ang iyong hangganan na mula sa Dagat na Mapula hanggang sa dagat ng Filistia at mula sa ilang hanggang sa Ilog ng Eufrates: (B)sapagka't aking ibibigay ang mga nananahan sa lupain sa iyong kamay, at iyo silang palalayasin sa harap mo.

32 (C)Huwag kang makikipagtipan sa kanila, ni sa kanilang mga dios.

33 Sila'y hindi tatahan sa iyong lupain, baka papagkasalahin ka nila laban sa akin: (D)sapagka't kung ikaw ay maglingkod sa kanilang mga dios, ay tunay na magiging silo sa iyo.

Read full chapter