Add parallel Print Page Options

Kaya ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi nito sa inyo: Ang lungsod na ito ay natulad sa kaldero, at ang mga bangkay na inyong kinalat sa lungsod ay ang nagsilbing karne. At kayo naman ay papalayasin ko sa lungsod na ito. Natatakot kayo sa digmaan[a] pero ipapalasap ko ito sa inyo. Ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi nito. Palalayasin ko kayo sa lungsod na ito at ipapabihag sa mga dayuhan at uudyukan ko silang parusahan kayo.

Read full chapter

Footnotes

  1. 11:8 digmaan: sa literal, espada.