Add parallel Print Page Options

12 Ngunit ang puno ng ubas ay binunot dahil sa poot,
    inihagis sa lupa;
tinuyo ito ng hanging mula sa silangan;
    at inalis ang bunga nito,
ang kanyang matitibay na sanga ay nabali,
    at tinupok ng apoy.
13 Ngayo'y inilipat ito ng taniman sa ilang,
    sa isang tuyo at uhaw na lupain.
14 At lumabas ang apoy sa mga sanga nito,
    at tinupok ang kanyang mga sanga at bunga,
kaya't doo'y walang naiwang matibay na sanga,
    walang setro para sa isang pinuno.

Ito ay panaghoy, at naging panaghoy.

Read full chapter