Add parallel Print Page Options

25 Aking itutuon ang aking galit laban sa iyo, upang pakitunguhan ka nilang may poot. Kanilang puputulin ang iyong ilong at ang iyong mga tainga, at ang nakaligtas sa iyo ay mabubuwal sa pamamagitan ng tabak. Kanilang darakpin ang iyong mga anak na lalaki at babae; at ang mga nakaligtas sa iyo ay lalamunin ng apoy.

26 Kanila rin namang huhubaran ka ng iyong mga suot, at kukunin ang iyong mga magagandang hiyas.

27 Kaya't ganito ko wawakasan ang iyong kahalayan, at ang iyong pagiging bayarang babae[a] na dinala mo mula sa lupain ng Ehipto. Hindi ka na masasabik sa kanila[b] o alalahanin mo pa ang Ehipto kailanman.

Read full chapter

Footnotes

  1. Ezekiel 23:27 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw .
  2. Ezekiel 23:27 Sa Hebreo ay hindi mo itataas ang iyong mga mata .