Add parallel Print Page Options

At sinukat niya ang haba niyaon, dalawang pung siko, at ang luwang, dalawang pung siko, sa harap ng templo: at sinabi niya sa akin, Ito (A)ang kabanalbanalang dako.

Nang magkagayo'y sinukat niya ang pader ng bahay, anim na siko; at ang luwang ng (B)bawa't tagilirang silid apat na siko, sa palibot ng bahay sa lahat ng dako.

At ang mga tagilirang silid ay tatlong grado, (C)patongpatong at tatlong pu sa ayos; at nangakakapit sa pader na nauukol sa bahay na nasa tagilirang silid sa palibot upang mangakapit doon, at huwag makapit sa pader ng bahay.

Read full chapter