Ezekiel 44:13-15
Ang Biblia (1978)
13 At hindi sila magsisilapit (A)sa akin upang magsagawa ng katungkulan ng saserdote sa akin, o magsisilapit man sa alin man sa mga banal na bagay ko, sa (B)mga bagay na kabanalbanalan; kundi tataglayin nila ang kanilang kahihiyan, at ang kanilang mga kasuklamsuklam na kanilang ginawa.
14 Gayon ma'y gagawin ko silang tagapangasiwa sa bahay, para sa buong paglilingkod doon, at sa lahat na gagawin doon.
Ang mga kautusan tungkol sa mga saserdoteng Levita na anak ni Sadoc.
15 Nguni't (C)ang mga saserdoteng Levita na (D)mga anak na lalake ni Sadoc, na nagiingat ng katungkulan sa aking santuario nang ang mga anak ni Israel ay magsihiwalay sa akin, sila'y magsisilapit sa akin upang magsipangasiwa sa akin; at sila'y magsisitayo sa harap ko upang mangaghandog sa akin ng taba at ng dugo, sabi ng Panginoong Dios:
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978