Add parallel Print Page Options

11 Ngunit mga kapatid, kung ipinapangaral ko pa ang pagiging nasa pagtutuli, bakit pa nila ako pinag-uusig? Kung gayon ay tumigil na ang katitisuran sa krus. 12 Para doon sa mga nanggugulo sa inyo, ang nais ko ay putulin na sila nglubusan.

13 Ngayon mga kapatid, tinawag kayo ng Diyos upang kayo ay maging malaya. Huwag lamang ninyong gamitin ang inyong kalayaan na maging pagkakataon para sa makalamang pita. Sa halip, sa pamamagitan ng pag-ibig ay maglingkod kayo sa isa’t isa.

Read full chapter