Add parallel Print Page Options

Bilang gobernador ng Egipto, si Jose ang nagbebenta ng pagkain sa mga tao, kaya't sa kanya pumunta ang kanyang mga kapatid. Paglapit ng mga ito, sila'y yumukod sa kanyang harapan. Nakilala agad ni Jose ang mga kapatid niya, ngunit hindi siya nagpahalata. “Tagasaan kayo?” mabagsik niyang tanong.

“Taga-Canaan po. Naparito po kami upang bumili ng pagkain,” tugon nila.

Nakilala nga ni Jose ang kanyang mga kapatid ngunit hindi siya namukhaan ng mga ito.

Read full chapter