Font Size
Genesis 6:2-4
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Genesis 6:2-4
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
2 Nakita ng mga anak ng Dios[a] na ang mga babae ay magaganda. Kaya pumili sila ng magiging asawa nila sa sinumang maibigan nila. 3 Ngayon, sinabi ng Panginoon, “Hindi ko papayagang mabuhay ang tao nang matagal dahil silaʼy tao lamang. Kaya mula ngayon, ang tao ay mabubuhay nang hindi hihigit sa 120 taon.”
4 Nang panahong iyon, at kahit nitong huli, may mga kilalang tao sa mundo na mula sa lahi ng mga anak ng Dios na nagsipag-asawa ng magagandang babae. Silaʼy makapangyarihan at kilalang tao noong unang panahon.
Read full chapterFootnotes
- 6:2 mga anak ng Dios: o, mga anghel; o, mga pinuno; o, lahi ni Set.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®