Font Size
Hosea 10:4-6
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Hosea 10:4-6
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
4 Puro salita lang sila[a] pero hindi naman nila tinutupad. Nanunumpa sila ng kasinungalingan at gumagawa ng kasunduan na hindi naman nila tinutupad. Kaya ang katarungan ay parang nakakalasong damo na tumutubo sa binungkal na lupain.
5 “Matatakot ang mga mamamayan ng Samaria dahil mawawala ang mga dios-diosang guya sa Bet Aven. Sila at ang kanilang mga pari na nagagalak sa kagandahan ng mga dios-diosan nila ay iiyak dahil kukunin iyon sa kanila 6 at dadalhin sa Asiria at ireregalo sa dakilang hari roon. Mapapahiya ang Israel[b] sa kanyang pagtitiwala sa mga dios-diosan.[c]
Read full chapter
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®