Font Size
Hosea 10:7-9
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Hosea 10:7-9
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
7 Mawawala ang kanyang[a] hari na parang kahoy na tinangay ng agos. 8 Gigibain ang mga sambahan sa mga matataas na lugar ng Aven,[b] na naging dahilan ng pagkakasala ng mga taga-Israel. Matatakpan ang kanilang mga altar ng matataas na damo at mga halamang may tinik. Sasabihin nila sa mga bundok at mga burol, ‘Tabunan ninyo kami!’ ”
Hinatulan ang Israel
9 Sinabi ng Panginoon, “Kayong mga mamamayan ng Israel ay patuloy sa pagkakasala mula pa noong magkasala ang inyong mga ninuno roon sa Gibea. Hindi kayo nagbago. Kaya kayong mga lahi ng masasama ay lulusubin sa Gibea.
Read full chapter
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®