Add parallel Print Page Options

12 Ang mga taga-Israel[a] ay umaasa sa mga walang kwentang bagay. Buong araw nilang hinahabol ang mga bagay na nagdadala sa kanila sa kapahamakan. Lalo pa silang naging malupit at sinungaling. Nakikipagkasundo sila sa Asiria at sa Egipto, kung kaya nireregaluhan nila ang Egipto ng langis.

May mga paratang din ang Panginoon laban sa mga taga-Juda na lahi ni Jacob. Parurusahan niya sila ayon sa kanilang pag-uugali; gagantihan niya sila ayon sa kanilang mga ginawa. Noong si Jacob na kanilang ninuno ay nasa tiyan pa lamang ng kanyang ina, nais na niyang lampasan ang kanyang kakambal.[b] At noong lumaki na siya, nakipagbuno siya sa Dios

Read full chapter

Footnotes

  1. 12:1 Israel: sa Hebreo, Efraim. Tingnan ang “footnote” sa 4:17.
  2. 12:3 nais … kakambal: sa literal, hinahawakan niya ang sakong ng kanyang kapatid.