Add parallel Print Page Options

Habang dumarami kayong mga pari, dumarami rin ang mga kasalanan ninyo sa akin. Kaya ang inyong ipinagmamalaki ay gagawin kong kahihiyan.[a] Gusto ninyong magkasala ang aking mga mamamayan para makakain kayo mula sa kanilang mga handog sa paglilinis.[b] Kaya kung paano ko parurusahan ang mga mamamayan, parurusahan ko rin kayong mga pari.[c] Parurusahan ko kayo dahil sa inyong mga gawa.

Read full chapter

Footnotes

  1. 4:7 Kaya … kahihiyan: o, Ipinagpalit ninyo ang inyong maluwalhating Dios sa nakakahiyang Mga dios-diosan.
  2. 4:8 Ayon sa Lev. 6:26; 10:17, may bahagi ang mga pari sa ganitong uri ng handog.
  3. 4:9 Kaya … pari: o, Kung gaano kasama ang mga pari, ganoon din ang mga mamamayan.