Add parallel Print Page Options

15 Nalungkot ang mga Israelita sa nangyari sa mga lahi ni Benjamin dahil binawasan ng Panginoon ng isang lahi ang Israel. 16 Kaya nag-usap-usap ang mga tagapamahala sa mga mamamayan ng Israel. Sinabi nila, “Wala nang natirang babae na lahi ni Benjamin. Ano ba ang gagawin natin para makapag-asawa ang natira nilang mga lalaki? 17 Kailangang magpatuloy ang lahi nila para hindi mawala ang lahi ni Benjamin.

Read full chapter