Font Size
Isaias 10:26-28
Magandang Balita Biblia
Isaias 10:26-28
Magandang Balita Biblia
26 At hahagupitin ko sila tulad ng puksain ko ang mga Midianita sa Bato ng Oreb. Itataas ko ang aking tungkod sa ibabaw ng dagat tulad ng ginawa ko sa mga taga-Egipto. 27 Sa araw na iyon aalisin sa iyong balikat ang pahirap na ginagawa ng Asiria at wawasakin na ang pamatok sa iyong leeg.”
Sumalakay siya buhat sa Rimon.
28 At nakarating na sa Aiat,[a]
lumampas na siya sa Migron
at iniwan sa Micmas ang kanyang dala-dalahan.
Footnotes
- Isaias 10:28 Aiat: o kaya'y Ai .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
By Philippine Bible Society