Add parallel Print Page Options

(A)Gayon ma'y maiiwan doon ang mga pinulot, gaya ng pagugog sa puno ng olibo na dalawa o tatlong bunga ay naiiwan sa dulo ng kataastaasang sanga, apat o lima sa kaduluduluhang mga sanga ng mabungang punong kahoy, sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel.

Sa araw na yaon ay titingin ang mga tao sa May-lalang (B)sa kanila, ang kanilang mga mata ay magkakaroon ng pitagan sa Banal ng Israel.

At sila'y hindi titingin sa mga dambana, na gawa ng kanilang mga kamay, o magkakaroon man sila ng pitagan sa ginawa ng kanilang mga daliri, maging sa (C)mga Asera, o sa mga larawang araw.

Read full chapter