Font Size
Isaias 17:7-9
Ang Biblia, 2001
Isaias 17:7-9
Ang Biblia, 2001
Matatapos ang Pagsamba sa mga Diyus-diyosan
7 Sa araw na iyon ay pahahalagahan ng mga tao ang Maylalang sa kanila, ang kanilang mga mata ay titingin sa Banal ng Israel.
8 Hindi nila pahahalagahan ang mga dambana, na gawa ng kanilang mga kamay, at hindi sila titingin sa ginawa ng kanilang mga daliri, maging sa mga sagradong poste,[a] o sa mga altar ng insenso.
9 Sa araw na iyon, ang kanilang matitibay na lunsod ay magiging gaya ng mga dakong pinabayaan sa gubat, at sa taluktok ng bundok, na pinabayaan dahil sa mga anak ni Israel; at magiging wasak.
Read full chapterFootnotes
- Isaias 17:8 Sa Hebreo ay Ashera .