Font Size
Isaias 20:2-4
Ang Biblia, 2001
Isaias 20:2-4
Ang Biblia, 2001
2 nang panahong iyon ay nagsalita ang Panginoon sa pamamagitan ni Isaias na anak ni Amoz, na sinasabi, “Ikaw ay humayo, at kalagin mo ang damit-sako sa iyong mga balakang, at hubarin mo ang sapin sa iyong paa.” At ginawa niyang gayon at lumakad na hubad at yapak.
3 At sinabi ng Panginoon, “Kung paanong ang aking lingkod na si Isaias ay lumakad na hubad at yapak sa loob ng tatlong taon bilang tanda at babala sa Ehipto at Etiopia,
4 gayon ilalayo ng hari ng Asiria ang mga bihag na Ehipcio at taga-Etiopia, bata at matanda, hubad at yapak, at may mga piging nakalitaw, sa ikapapahiya ng Ehipto.
Read full chapter
Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)
By Philippine Bible Society