Font Size
Isaias 30:17-19
Ang Biblia (1978)
Isaias 30:17-19
Ang Biblia (1978)
17 Isang libo (A)ay tatakas sa saway ng isa; sa saway ng lima ay tatakas kayo: hanggang sa kayo'y maiwang parang isang palatandaan sa taluktok ng bundok, at (B)gaya ng isang watawat sa isang burol.
Sa matiyagang paghihintay sa biyaya ng Panginoon lamang matatamo ang kasaganaan.
18 (C)At dahil dito maghihintay ang Panginoon, upang siya'y maging mapagbiyaya sa inyo, at kaya't (D)mabubunyi siya, na siya'y magdadalang habag sa inyo: sapagka't ang Panginoon ay Dios ng kahatulan; (E)mapapalad yaong lahat na nangaghihintay sa kaniya.
19 Sapagka't ang bayan ay (F)tatahan sa Sion sa Jerusalem: ikaw ay hindi na iiyak pa; siya'y tunay na magiging mapagbiyaya sa iyo sa tinig ng iyong daing; pagka kaniyang maririnig, sasagutin ka niya.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978