Font Size
Isaias 33:9-11
Ang Biblia, 2001
Isaias 33:9-11
Ang Biblia, 2001
9 Ang lupain ay nananangis at nagdurusa,
ang Lebanon ay napapahiya;
ang Sharon ay natutuyo gaya ng isang disyerto;
at nalalagas ang mga dahon ng Basan at Carmel.
10 “Ngayo'y babangon ako,” sabi ng Panginoon,
“ngayo'y itataas ko ang aking sarili;
ngayo'y dadakilain ako.
11 Kayo'y naglihi ng ipa, kayo'y nanganak ng dayami;
ang inyong hininga ay apoy na tutupok sa inyo.