Add parallel Print Page Options

Ang mainit na buhanginan ay magiging tubigan. At sa tigang na lupain ay bubukal ang tubig. Tutubo ang sari-saring damo sa lugar na tinitirhan noon ng mga asong-gubat.[a] Magkakaroon ng maluwang na lansangan sa ilang at iyon ay tatawaging, “Banal na Lansangan.” Walang makasalanan o hangal na makararaan doon, kundi ang mga sumusunod lamang sa pamamaraan ng Panginoon. Walang leon o anumang mababangis na hayop na makakaraan doon kundi ang mga tinubos[b] lamang ng Panginoon.

Read full chapter

Footnotes

  1. 35:7 asong-gubat: sa Ingles, “jackal.”
  2. 35:9 tinubos: o, iniligtas.