Add parallel Print Page Options

17 Narito, sa aking ikapapayapa ay nagtamo ako ng malaking paghihirap:
Nguni't ikaw, sa pagibig mo sa aking kaluluwa ay iyong iniligtas sa hukay ng kabulukan;
Sapagka't iyong itinapon ang lahat ng aking mga kasalanan sa iyong likuran.
18 (A)Sapagka't hindi ka maaring purihin ng Sheol, hindi ka maaring ipagdiwang ng kamatayan!
(B)Silang nagsisibaba sa hukay ay hindi makaaasa sa iyong katotohanan.
19 Ang buháy, ang buháy, siya'y pupuri sa iyo, gaya ng ginagawa ko sa araw na ito:
(C)Ang ama sa mga anak ay magpapatalastas ng iyong katotohanan.

Read full chapter