Isaias 47:8-10
Ang Biblia (1978)
Ang kawalang bisa ng pagasa sa sarili.
8 Ngayon nga'y dinggin mo ito, ikaw na hinati sa mga kalayawan, na tumatahang matiwasay, na nagsasabi sa kaniyang puso, (A)Ako nga, at walang iba liban sa akin; (B)hindi ako uupong gaya ng babaing bao, o mararanasan man ang pagkawala ng mga anak:
9 Nguni't ang dalawang bagay na ito ay darating sa iyo sa isang sangdali, sa isang araw, ang pagkawala ng mga anak at pagkabao; sa kanilang karamihan ay darating sa iyo, (C)sa karamihan ng iyong panggagaway, at sa totoong kasaganaan ng iyong mga enkanto.
10 Sapagka't ikaw ay tumiwala sa iyong kasamaan; iyong sinabi, Walang nakakakita sa akin; ang iyong karunungan at ang iyong kaalaman, nagpaligaw sa iyo: at iyong sinabi sa iyong puso, Ako nga, at walang iba liban sa akin.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978