Add parallel Print Page Options

Ngunit(A) siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsuway,
    siya'y binugbog dahil sa ating mga kasamaan;
ipinataw sa kanya ang parusa para sa ating kapayapaan,
    at sa pamamagitan ng kanyang mga latay ay gumaling tayo.
Tayong(B) lahat ay gaya ng mga tupang naligaw;
    bawat isa sa atin ay lumihis sa kanyang sariling daan;
at ipinasan sa kanya ng Panginoon
    ang lahat nating kasamaan.

Siya'y(C) (D) inapi, at siya'y sinaktan,
    gayunma'y hindi niya ibinuka ang kanyang bibig;
gaya ng kordero na dinadala sa katayan,
    at gaya ng tupa na sa harapan ng mga manggugupit sa kanya ay pipi,
    kaya't hindi niya ibinuka ang kanyang bibig.

Read full chapter