Font Size
Isaias 57:6-8
Ang Biblia, 2001
Isaias 57:6-8
Ang Biblia, 2001
6 Sa gitna ng mga makinis na bato sa libis ang iyong bahagi;
sila, sila ang iyong bahagi;
sa kanila ka nagbuhos ng inuming handog,
ikaw ay nag-alay ng handog na butil.
Mapapayapa ba ako sa mga bagay na ito?
7 Sa isang mataas at matayog na bundok
ay inilagay mo ang iyong higaan;
doon ka naman sumampa upang maghandog ng alay.
8 At sa likod ng mga pintuan at ng mga hamba
ay itinaas mo ang iyong sagisag;
sapagkat hinubaran mo ang iyong sarili sa iba kaysa akin,
at ikaw ay sumampa roon,
iyong pinaluwang ang iyong higaan;
at nakipagtipan ka sa kanila,
iyong inibig ang kanilang higaan,
minasdan mo ang kanilang pagkalalaki.