Add parallel Print Page Options

17 Gagamitin niyang panangga sa dibdib ang katuwiran, at helmet ang kaligtasan. Isusuot niya na parang damit ang paghihiganti at ang matindi niyang galit. 18 Gagantihan niya ang kanyang mga kaaway ayon sa kanilang ginawa, pati na ang mga nasa malalayong lugar.[a] Madadama nila ang kanyang galit. 19 Igagalang siya at dadakilain kahit saan, dahil darating siya na parang rumaragasang tubig na pinapadpad ng napakalakas na hangin.[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. 59:18 malalayong lugar: o, mga isla; o, mga lugar malapit sa dagat.
  2. 59:19 napakalakas na hangin: o, Espiritu ng Dios; o, hangin na mula sa Dios.