Add parallel Print Page Options

17 Ang(A) suot niya sa dibdib ay baluti ng katuwiran,
    at sa kanyang ulo naman ang helmet ng kaligtasan.
Paghihiganti ang kanyang kasuotan,
    at poot naman ang kanyang balabal.
18 Paparusahan niya ang mga kaaway ayon sa kanilang ginawa,
    kahit ang nasa malalayong lugar ay kanyang gagantihan.
19 Kaya katatakutan siya ng mga taga-kanluran,
    at dadakilain sa dakong silangan;
darating si Yahweh, tulad ng malakas na agos ng tubig,
    gaya ng ihip ng malakas na hangin.

Read full chapter