Add parallel Print Page Options

17 Ikaw nga'y (A)magbigkis ng iyong mga balakang, at ikaw ay bumangon, at salitain mo sa kanila ang lahat na iniuutos ko sa iyo: (B)huwag kang manglupaypay sa kanila, baka ikaw ay panglupaypayin ko sa harap nila.

18 Sapagka't, narito, ginawa kita sa araw na ito, na nakukutaang bayan, at pinakahaliging bakal, at pinaka kutang tanso, laban sa buong lupain, laban sa mga hari sa Juda, laban sa mga prinsipe niyaon, laban sa mga saserdote niyaon, at laban sa bayan ng lupain.

19 At sila'y magsisilaban sa iyo; nguni't hindi sila mangananaig laban sa iyo: sapagka't ako'y sumasa iyo, sabi ng Panginoon, upang iligtas ka.

Read full chapter