Add parallel Print Page Options

Ang darating na pananagana ng Israel.

21 Maglagay ka ng mga patotoo, gumawa ka ng mga haliging tanda: (A)ilagak mo ang iyong puso sa dakong lansangan, sa daan na iyong pinaroonan: ikaw ay magbalik uli, Oh dalaga ng Israel, ikaw ay bumalik uli rito sa mga bayang ito.

22 Hanggang kailan (B)magpaparoo't parito ka, Oh ikaw na tumatalikod na anak na babae? sapagka't ang Panginoon ay lumikha ng bagong bagay sa lupa, Ang babae ay siyang mananaig (C)sa lalake.

23 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Kanilang gagamitin uli ang pananalitang ito sa lupain ng Juda at sa mga bayan niyaon, pagka aking dadalhin uli mula sa kanilang pagkabihag: (D)Pagpalain ka ng Panginoon. Oh tahanan ng (E)kaganapan, Oh bundok ng kabanalan.

Read full chapter