Font Size
Jeremias 47:1-3
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Jeremias 47:1-3
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Mensahe tungkol sa Filistia
47 Ito ang sinabi ng Panginoon kay Propeta Jeremias tungkol sa Filistia noong hindi pa sinasalakay ng Faraon[a] ang Gaza:
2 “May bansang sasalakay mula sa hilaga na parang baha na aapaw sa buong lupain. Wawasakin ng bansang ito ang lahat ng lungsod pati ang mga mamamayan nito. Magsisigawan at mag-iiyakan nang malakas ang mga tao dahil sa takot. 3 Maririnig nila ang ingay ng lagapak at mga yabag ng mga kabayo at mga karwahe. Hindi na lilingon ang mga ama para tulungan ang mga anak nila dahil sa takot.
Read full chapterFootnotes
- 47:1 Faraon: Ang ibig sabihin, hari ng Egipto.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®