Add parallel Print Page Options

11 Inyong patalasin ang mga pana, inyong hawakang mahigpit ang mga kalasag; pinukaw ng (A)Panginoon ang kalooban ng mga hari ng mga (B)Medo; sapagka't ang kaniyang lalang ay laban sa Babilonia, (C)upang sirain: sapagka't siyang panghihiganti ng Panginoon, panghihiganti ng kaniyang templo.

12 Mangagtaas kayo ng (D)watawat laban sa mga kuta ng Babilonia, inyong patibayin ang bantayan, inyong lagyan ng mga bantay, kayo'y mangaghanda ng mga pangbakay: sapagka't ang Panginoon ay nagpanukala at gumawa rin naman ng kaniyang sinalita tungkol sa mga nananahan sa Babilonia.

13 Oh ikaw na tumatahan sa ibabaw ng maraming tubig, sagana sa mga kayamanan, ang iyong wakas ay dumating, ang sukat ng iyong kasakiman.

Read full chapter